Lunes, Abril 13, 2015

Prologue


     "Bro, balita ko lilipat ka daw dito," sabi ni Pasi sa telepono. "Dude, dito ka na ba ulit mag-aaral? Samahan kita mag-enroll, gusto mo?"
     "Oo, sige samahan mo nalang ako tutal ikaw ang nag-alok sa akin." sagot ni Cons sa sarili niyang telepono habang nagbabasa ng libro ni Tolkien sa isang taxi. Matagal na rin na hindi sila nagkausap na magkaibigan. Halos walong taon simula noong nagdesisyon siyang lumipat ng tahanan sa probinsya ng Isabela. Dahil noong panahong iyon ay may taning ang buhay ng kanyang ina. Nag-aaral noon siya sa Manila bago nagkaroon ng komplikasyon sa dugo ang ina. At ngayon, babalik ulit siya para mag-aral sa kolehiyo; ika-tatlong tatlong taon sa kursong AB Political Science.
     "Sa'n ka na ba Dude?" tanong ni Pasi.
     "Nasa loob parin ako ng taxi," malamig ang sagot ni Cons dahil napagod siya sa biyahe, at ang init pa. Halos pitong oras na siyang nag-bibiyahe mula Isabela.
     "Hinde, sa'n ka na? yung location mo." seryosong tanong ni Pasi.
     "Taxi."
     "Seryoso ngam."
     "Hulaan mo. Magbabasa muna ako" nagbabasa lang siya ng libro. Matagal na siyang mahilig magbasa ng libro. Dahil sa pagbabasa ng libro siya nagkakaroon ng kalayaan at pampalipas oras pansamantala mula sa pagkayamot. Gusto niya ang pakiramdam ng isang pambihirang karanasan sa ibang mundo na ikaw lang ang nag-iisip o naglalarawan sa mga pangyayari, sa mga tauhan at mga lugar sa libro, sapagkat walang namimintas sayo kundi ikaw lang. Gusto niya sa mundong ikaw lang ang nagdidikta, ikaw lang ang nakakaalam, malayo sa realidad ng buhay, ang pakiramdam na ikaw ang namumuno.
     "Pre naman, alam mo naman na miss na miss kita, sabihin mo na para masundo kita. Sige na, alam kong miss mo na rin ako, kaya sabihin mo na." ika ni Pasi
     Napangisi  nang bahadya si Cons. "Nandito pa lang ako Quezon. Kumusta ka na ba?"
     "Okay lang bro, kami na ni Mia my loves," mayabang na sagot ni Pasi. "Ikaw?"
     "Okay lang din. Nagbabasa ako ngayon ng libro."
     "heh, gaya ka parin ng dati. Pre, anong tawag sa maliit na pusa?" tanong ni Pasi.
     "Ano? lahat ng pusa maliliit."
     "Eh di cat titing," biro niya. "Eh ano ang tawag sa maliit na aso?"
     "Chihuahua?"
     "Mali. Eh di... kapir aso..." sumbat niya sabay tawa. "Last, anong tawag sa maliit na kambing?... eh di kapirang goat!"
     "Korni mo."
Itinuloy niya na lang ang pag-babasa, itinigil niya na lang ng maalala niya ang nakaraan. Naalala niya yung mga biro ni Pasi, mga walang saysay. Malay niya ba kung bakit nahulog ang loob ni Mia sa kanya, siguro sa mga biro niya rin siya nahulog. Naalala niya rin kung paano niligawan ni Pasi si Mia, nakakatawa yung mga pangyayari. Noon nabihag talaga si Pasi sa angking ganda ni Mia, sinubaybayan niya talaga. Pero madami ring ang  nanligaw kay Mia kaya hindi napapansin si Pasi. Kaya ang ginawa niya noon sa isang symposium, nang tawagin siya para magsalita...iba ang sinabi niya. Nagtapat siya kay Mia sa harap ng maraming tao, kung alam niyo lang ang ginawa niya, nakakahiya talaga, tapos ang sinabi pa niya, "Mia, my love for you is like diarrhea... I can't hold it any longer."  sinita siya at inutusang bumaba sa entablado, pero ayaw niya paring bumaba, kaya tumawag sila ng guard. Kinaladkad siya at pinahiya pa ng emcee at sinabing, "Itae mo na lang yan."
     Naalala niya rin silang apat na magtropa: siya, si Pasi, Ekoy, at si Chan. Nag-umpisa lang sa biruan, ngayon solid ang samahan. Si Kenneth o Pasi ang "Apple of the Eye" sa tropa, isang joker, siya ang pinakasikat at pinakagwapo, pinagtitilian. Si Jericho o Ekoy ang "Muse" , guitarista, magaling sa drums, isang avid fan ng 90's rock songs, Reggae, J-rock, Classical, R&B, Pop, OPM, at iba pa. Si Karl o Chan ang "Songster" , malamig ang boses, siya ang vocalist sa banda niya, sinamahan niya si Pasi para mang harana kay Mia. At siya...si Constantine "The Legendary Buster". Siya lang ang hindi sikat sa tropa, palaging nasa gilid, magsasalita lang kung kakausapin mo, siya ang palaging niloloko sa tropa, sino ba naman ang hindi matutuwa sa kanya. Pero kung titignan mo silang apat sa isang linya, masasabing mong si Cons ang handang-handang sa klase, ang "nerd" sa apat. May isang pagkakataon na may isang babae na nagtapat na may gusto siya kay Cons; nagulat sila , tinawanan pa nila, hindi mo aakaling may magkakagusto sa kanya.
     Marami rin ang nagsasabi weirdo lang talaga siya; mahilig magbasa ng libro, avid fan ng fantasy novel, nabasa niya na lahat ng libro ni C.S. Lewis. Dala-dala niya noon isang makapal na dictionary, hindi pa maayos ang buhok niya, meron pa siyang salamin. Pero kahit na ganun ,masasabi mo ring may itsura rin siya, kung aayusan mo nga lang. Madaming ang nagkalat na tsismis noon katulad ng baka hindi niya alam na gwapo siya o kaya sa sobrang talino niya nakalimutan niyang mag-ayos.
     Pero ngayon madaming nagbago. Hindi na libro ang binabasa niya na ngayon, puro libro. Dalawang dictionary na ang hawak niya; isang English-Tagalog, at Merriam-Webster na nasa maleta. Sobrang kapal ng buhok niya ngayon, natatakpan ang kanyang mga mata, nakasalamin pa siya, gaya ng dati magulo parin ang buhok niya. Mature na tignan si Cons ngayon, may balbas na siya mula pisngi hanggang panga at sa itaas ng labi.
     "Uy Cons! nakikinig ka ba?"
     "hah?" nakalimutan niya meron pala siyang kausap.
     "Sabi ko kailangan mong mag-test at pag nakapasa ka dun admitted ka na. Kailangan mo yung T.O.R. mo para ma-examine nila yun kung pwede ka bang pumasok.Tsaka, baliwala lang yata sa yun eh...pa easy-easy lahat ng test sa'yo. Always TOP ONE!!! IDOL!!! hehehe."
     "Uy dude, sa August 5 ang pasukan ah...ahm ano date ngayon?..." tanong ni Pasi.
     "April 6. Matagal pa." tugon ni Cons.
     "Ngayon ka na mag-test para madali! Habang maaga, mas maganda! Pre...pagkatapos mo mag-test, hanap tayo chiks mo, gusto mo?"
     "Ikaw na lang." sagot niya.
     Tumawa si Pasi. "Forever busy si Legendary Buster ah. Basta Cons ngayon ka mag-test, text mo na lang ako pag nakarating ka na, samahan kita. Promise ko sa'yo magiging masaya ka dito, hindi katulad ng dati puro nalang libro inaatupag mo. Promise ko din, makakahanap ka din ng babae para sa'yo, yung magpapasaya talaga sa'yo, tapos pre pagkinasal ka, magiging masaya ako, iiyak talaga ako sa sobrang tuwa.
     "Tapos magkakaroon ka ng apat ng anak, tapos may malaki kayong bahay, sa sobrang laki kasya sampung sasakyan. may swimming pool, may library ka pa dahil ayaw mong kumalawang yung utak mo. May sexy maids pa kayo, may driver ka pa, may butler ka pa. NYAHAHAHA!!!"
     "...Ikaw ulit." buntong-hininga niya.
     "Uy wag ganyan Cons...samahan mo naman ako sa trip ko. Alam mo naman na pinapasaya lang kita. Basta magiging masaya ka. Para namang hindi ka nasanay sa'kin."
     "Oo na, sige na-"
     "Magpapakasal ka? OH MY GOD!!!" bulyaw niya kay Cons sabay hagikhik.
Puro tawa na lang ang ginawa ni Pasi, at mga birong nakakatawa, mga insultong para lang sa kaibigan niyang matagal niyang hindi nakita.  Pagkatapos ay nagkita sila sa harap ng Unibersidad, biglang niyakap niya si Cons na sobrang higpit. Nilibre niya siya sa isang restaurant pagkatapos siya mag-test. Napatingin si Cons kay Pasi, madaming nagbago sa kanya, pero katulad parin siya ng dati, maingay pa rin. Nang sandaling iyon naalala niya ang sinabi ni pasi sa kanya sa telepono...Basta magiging masaya ka dito.  Tumingin na lang siya sa labas ng bintana, nag-iisip, umaasa na sana nga...sana nga magiging masaya ako dito.
   
   

Linggo, Abril 12, 2015

Characters


Constantine De Guzman                                Jane Soriano                                Ezra Baligod

Alyssa Mendiola                                       Rica Villaverde                                Shawn Maroza

Anne Tamanu                                       Alfred Berbano

Phillip Purugganan                                   Jerico Reyes

Samuel Santiago                                    Karl Christian Accad

Louis De La Cruz                                     Kristine Caronan

Kenneth Edeza
Saoirse Parallag                                       Phoebe Alvares